Hindi na kailangang lumayo at umalis ng bansa upang maranasan ang saya ng paglalakbay. Sa bawat rehiyon sa Pilipinas, matatagpuan ang mga lugar na may kaniya-kaniyang tanawin, kultura, at pagkaing maipagmamalaki. Narito ang anim na destinasyong maaaring idagdag sa travel list ngayong World Tourism Day.

Layout by Zed Roxas
Batanes
Para sa mga naghahanap ng tahimik na tanawin at malapit sa sa kalikasan, maaaring simulan ang paglalakbay sa Batanes. Kilala ang lalawigan sa mga rolling hills, baybayin, at kulturang Ivatan. Ilan sa mga pwedeng puntahan dito ay ang Basco Lighthouse, Chavayan Stone House Village, at Sabtang Island kung saan makikita ang mga bahay na bato at makukulay na tanawin ng mga isla. Ibinibida rin ng Batanes ang Vunung Festival kung saan ito ay nagsisilbing puso ng Batanes Foundation Celebration na ginaganap tuwing buwan ng Hunyo.

Layout by Zed Roxas
Bacolod
Hindi kumpleto ang paglalakbay sa Bacolod nang hindi natitikman ang mga pagkaing bahagi ng kulturang Negrense. Sa bayang tinaguriang “City of Smiles,” tikman ang sikat na Inasal, Cansi, at iba’t ibang uri ng mga tinapay at panghimagas, pati na ang kanilang pasalubong na Piaya at Barquillos. Kilala rin ang lungsod sa Masskara Festival at mga pamanang lugar tulad ng Negros Museum at The Ruins. Sa pamamagitan ng pagkain at mga heritage sites, masisilayan ang kasaysayan at pagkakakilanlan ng Bacolod.
![092726 [karilyon Listicle National Tourism Day]](https://db.thebenildean.org/uploads/the-benildean/originals/6944f9bc-59a2-4cf0-be9d-c4fce3392317.png)
Layout by Juliana Polancos
Pampanga
Kinikilala bilang culinary haven ang Pampanga. Bukod sa pagkaing Kapampangan, maaaring maranasan dito ang mga culinary tour na ibinibida ang tradisyonal na lutuin, lokal na sangkap, at mga kuwentong nakaugat sa kasaysayan ng rehiyon. Kung ang hanap ay religious tourism, maaari ring bisitahin ang iba’t ibang heritage churches gaya ng San Agustin Church, St. James the Apostle Parish Church, at ang Minor Basilica and Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary.
![092726 [karilyon Listicle National Tourism Day Quezon]](https://db.thebenildean.org/uploads/the-benildean/originals/b01bf812-e42d-4b58-9d54-41a5e78f5ee3.png)
Layout by Zoie Sabanal
Kung likas na ganda at kasaysayan ang hanap, bisitahin na ang Quezon! Kilala ang lalawigan sa mga dalampasigan, bundok, at mga ipinagmamalaking pagkain gaya ng Lucban longganisa at pansit habhab. Maaari ring bisitahin ang Kamay ni Hesus at libutin ang Sunshine Farm.

Layout by Marcus Aquino
Ibinibida ng Sagada ang iba’t ibang tanawin, museo, at mga aktibidad para sa mga turista. Kilala rin ito sa malamig na klima at mga makasaysayang lugar gaya na lamang ng hanging coffins na malaking bahagi ng mayamang kultura at tradisyon ng komunidad. Sa Sagada, ang bawat tanawin at karanasan ay siyang nag-aanyaya sa mga turista na tuklasin at pahalagahan ang kalikasan at ang sarili nating kultura.
Magkakaiba man ang tanawin, pagkain, at kultura sa bawat destinasyon, iisa ang ipinapakita ng mga ito: malawak at mayaman ang Pilipinas sa mga kuwento at lugar na karapat-dapat tuklasin. Sa bawat paglalakbay, hindi lamang bagong lugar ang matutuklasan, kundi pati ang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlang bumubuo sa Pilipinas. Dahil minsan, ang magandang paglalakbay ay hindi lamang nasusukat sa layo ng destinasyon, kundi sa lalim ng pagpapahalaga at pagtangkilik ng sariling atin.
